Tuesday, January 5, 2010

Whooooaaa..
Bloger na rin ako ngaun ah, Naisip ko lang na kelangan ko rin nito para masulat ko ung mahahalagang bagay na nagaganap sa buhay ko, mga aral na natututunan ko mula sa mga kapal-pakan ko, at kung anu anung bagay n pagtatawanan ko pag binasa ko ulet ung mga sinulat ko. Malay mo merong makuha o mapulot n lesson kung sino man ang makabasa nito, (kung meron interesado) tsk tsk tsk.

2009
hindi naging maganda ang 2009 para sa karamihan ng mga pilipino lalo na sa akin. nanjan ang bagong ONDOY nasumalanta at sumira ng maraming bahay at buhay sa metro manila, nasundan pa ulet ng isa pang bagyo nasumalanta naman sa northern luzon *bumalik pa ang hinayupak* (fujiwara effect),at meron pa atang isang bagyo n sa southerh luzon nman naminsala. ang kagimbal gimbal at walang pusong pagpatay sa maguindanao.ang pagde-decalare ni gloria ng pagtakbo bilang congresswoman (nagbabantang panganib palang). ang pagputok ng bulkang mayon. tapos sa akin dumagdag pa ung isang matinding kalamidad n MUNTIK ng gumunaw ng mundo ko, ito ay ng sinabi ng taong pinakamamahal ko na hindi na nya ako mahal. awts

HEARTBREAK
G: wala ka bang napapansin lately?
B: ...
G: na parang merong kulang..
B: ...(tahimik parin pero alam n ung ibig nya sabihin)
G: kasi parang nawala na ung magic, pag kasama kita di n ako ganun kasaya, hindi ako na-eexcite na makita ka...
B: na hindi mo na ako mahal?
G: ...
G: oo.
B: bakit? meron ba ako nagawang mali? meron ba akong pagkukulang? hindi ko ba naipakita sau kung gaano kita kamahal? saan..?
G: walang mali sau, sa akin ung mali.

naganap ito nung september 1, 2009 tuesday unang araw ng pasok sa office kasi holiday nung monday. excited pa naman ako nung araw na iyon kasi nag simula n ang BER malapit n ang pasko. mag 17 months na sana kami. kala ko pag naging matino ang lalaki walang maging problema sa isang relationship kasi karamihan ng kilala ko naghiwalay kasi meron iba ung lalaki, hindi din pala.
nakakasawa ba ung nakikita mo araw araw sa office ung gf/bf mo?
bakit ako? hindi naman ako nasasawa sa kanya ah? mag sasawa ka ba sa taong mahal mo?

ang hirap pala kung papaikutin mo ang mundo mo sa isang tao.
sa lahat ng mga plano mo sa buhay kasama mo sya.
sya ung inspirasyon mo sa mga ginagawa mo.
tapos biglang mawawala ung taong iyon.
parang nawala nrin ang mundo ko, nawala na ang lahat sa akin.
nasabi ko tuloy sa susunod na mag mahal ako di ko na ibubuhos lahat, magtitira naman ako para sa sarili ko. para kung sakaling mauwi ulit sa break up hindi ganung kasakit.

ate alle: dapat kung magmamahal ka ibigay mo ung 100% mo. kasi kung hindi 100% hindi tunay na pagmamahal yan. wag kang matakot n masakatan. (ang galing talaga ni ate ella!!)

sa breakup nmin nadamay ung mga kasamahan ko sa office dating classmate ng ex ko. bakit daw ba hindi sya maintindihan ng mga ito. na sana ay makita nilang mahirap din para sa kanya ung ginawa nya. ummmhh.. *no comment*. lahat ng mga taong nakakakilala sa aming dalawa hindi sya maintindihan kahit sarili nyang pamilya nalabuan sa kanya.
ang malinaw akin ay yung "hindi na kita mahal e, break n tau" bakit pa nga ba itutuloy kung isa nalang ung nag mamahal, dapat the feeling is mutual diba?
ang malabo lang talaga sa akin ay kung paano nya nasabing hindi n nya ako mahal, paanong nawala ung magic *PU_*&%@*$ yan!!* e ginawa ko naman ang lahat. tinatanong kita boring ba ako kasama? sabi mo hindi ang saya saya ko nga pagkasama kita kasi lagi mo akong pinapatawa,Hindi ka ba nagsasawa sa akin? sabi mo bakit naman ako magsasawa sa isang katulad mo? mahal mo ba ako? sabi mo mahal na mahal na mahal na mahal kita!!! tpos biglang ganito LABO MEN!! anak ng.....!!!!

Dec 8 2009 game 3 final game ng company. NDTL vs EMMA
merong player s kabilang team n matangkad gwapo daw sabi nila, pero kung tatanungin nyo ako e di mas hamak n mas gwapo ako dun (blog ko ito! wag kang maki alam! gumawa ka ng sarili mong blog para mas gwapo ka sa akin!WALA AKONG PAKI-ALAM!). putcha ang swerte nila natalo kami. tapos ung hinayupak n centro ng kabilang team nagpapapicture pa dun si ex. *selos,uwi ng maaga* after a few days.. amp friends na sila sa facebook. after a week nagde-date na sila, wla naman ako magagawa dun wla kami. dec 25 nakita ko sa facebook in a relationship n si ex. merry xmas!!!! happy new year!! putukan na! wag sa loob ha para safe!(ng bahay, baka magkasunog)
aaminin ko, nung nalaman kong sila na medyo nasaktan ako.(MEDYO LANG HA!kahit papaano nakamove on n ako, medyo malayo na! 130+ miles na!kaya hindi na ako masyadong affected) gaya nga ng sabi ko kanina wla na ako magagawa dun. karapatan nila un! aym happy for them!! ^^,,i,,
ang ganda ganda talaga ng 2009 sa akin!!
(F%$&*$# SHIT!! MAG SAMA KAU!!)

mabait naman talaga akong bata, gusto ko lang mag labas ng sama ng loob kaya halos puro mura ang blog na ito. (sa personal hindi ako nag mumura) ayoko na kasi dalin ang mga ito sa dadating n bagong taon 2010.

COUNT YOUR BLESSINGS AND YOU WILL SEE HOW BLESSED YOU ARE! MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR TO ALL

No comments:

Post a Comment