Sunday, July 18, 2010

sunday refresher

i had a great busy day today. joined de la salle 3k marathon although im not a lasalista i enjoyed the event coz im with my cousins. bowling after go home take a lil rest and go to church.

the message of the pastor is keeping focused in what is really important. like in the bible said. jesus said to martha "
Martha, Martha, you are worried and distracted by many things; there is need of only one thing. Mary has chosen the better part, which will not be taken away from her" (Luke 10:38-42).

like most of us we are worried about many things in life that we forgot the most important which is listening to god's voice. put him first in every aspect of your life and he will never let you down.

"But seek ye first the kingdom of God,and His righteousness; and all these things shall be added unto you." Matt 6:33

Wednesday, March 31, 2010

uuwi pero hindi bigo

i wrote a note on a piece of paper and put it in my devotional book on page dated April 1. One day before my flight going back to the Philippines.

It says "on this day I have received many blessings, I must thank god"

I have experience living in a foreign country.
I have met new friends and found a loving and caring caregroup.
Learned to be humble, to look up and to ask for help

I flew to Singapore full of hopes and dreams. Hoping to find job here in Singapore so can help my family. In my two months of stay here, I got plenty of slack time, I have more quiet time and in this quiet time, I spend it reading the word of god.

I flew to Singapore to find a job, I didn’t find a job but what I found is more valuable than job, I found God.

april fools day, hahah

April na naman, at feeling ko naloko ako.,
naloko ako ng puso ko.
ang gulo ko naman kasi talaga.
tama nga ata si apol, malandi ako.
madali ako mag kagusto sa isang babae,
pero it doesnt mean n porket gusto mo n sya mahal mo na sya. lalo n kung bago bago palang kau magkakilala.
hindi ako naniniwala n mahal n agad ng lalaki ung isang babae pag nililgawan nya ito. kasi ang love nadedevelop yan sa panahon ng inyong pagsasama.
So pagnanligaw si lalaki kay babae, ibig sabihin nito, special si babae para kay lalaki.
at iyon ay madedevelop into love depende sa inyong pagsasama

hindi ako love expert. point of view ko lang iyan.

haaaayyy.... ung mukang tinamaan ako dun sa unggoy n iyon. badtrip naman. tsk tsk tsk. si apol ang ideal wife para sa akin. masarap kausap, matalino, mabait na anak, kapatid at kaibigan. matalino sa pera. kaso kelangan ko pigilan itong nararamdaman ko for her. abnormal kasi ung unggoy n iyon e. sobrang mahal si ekoy. swerte naman ng lalaki mamahalin ni apol.

so bakit April fools day title ng post n ito. kasi dahil ngaung april. medyo napaisip ako gusto ko ba talaga si apol? ginugulo mo mundo ko. unggoy ka talaga!!!

Wednesday, March 24, 2010

strength and weaknesses

STRENGTHS
1. Matiyaga ako sa isang bagay pag gusto ko
2. Malakas ang resistance sa tukso (tapat magmahal)
3. I'm a Christian
4. Hindi ako matalino pero masipag ako. (kung sila nakukuha nila ang sagot sa isang attempt lang dahil sa matalino sila, makukuha ko rin ang tamang sagot kahit makailang ulit pa, hindi titigil hangga't di ko nakukuha ang sagot)
5. laki ako sa hirap


WEAKNESSES
1. Hindi ako ma-PR, doesn't know how to start a conversation to people i don't know.
2. Mahiyain ako
3. I think mahina ang tenga ko.
4. Medyo malabo rin ako magsalita, kasi minsan kinakain ko daw ung mga letters kaya mahirap ako intindihin.
5. Laging tulala.
6. Slow (mental agility)
7. Nahihirapang magsabi ng HINDI sa isang nanghihingi ng favor
8. Mahina ako sa english. ok lang hindi rin naman sila (Singaporeans) magaling mag english. hahahaha




pangarap..

mga gusto kong mangyari sa buhay ko.

1. gusto ko by the end of 2010 hopefully wla na ako utang. di bale na walang pera basta wlang utang

2. gusto ko by the age of 30 meron na ako enough savings para bumukod.

3. at the age of 30 meron n rin ako sariling business. ^_^

4. meron na rin ako dapat sasakyan by that time.

5. gusto ko meron n ako sariling bahay at lupa. kahit hinuhulugan basta hindi nagrerenta.

6. sana by the age of 30 kasal n ako. (pipikutin kita!!)bwahaha

7. at age 27 matured n ako emotionally, spiritually, and mentally.

8. before the age of 32 nakatapos ng ako ng isang master's degree

9. saved 30 souls @ 30

10. gusto ko ng library at study room.


I Can Do All Things Through Christ Who Strengthens Me"

Philippians 4:13

Thursday, January 7, 2010

GENESIS

medyo rough ang start ng 2010 ko. hindi kasi naging madali ung pag reresign ko sa office dahil sa nakasabay ko ung mga paborito ni sir. nalungkot pa nga ako kasi sa apat n nag resign ako lang ung hindi pinigilan. hindi ako mahal ni bosing papi.
medyo awkward parin pag nagkakasalubong kami ni ex.

i grew with a christian family. at dahil dun hindi ako masyadong naapektuhan ng masasamang bagay sa kapaligiran. kaya nga lang i lived a double standard life nung kabataan ko. depende kung sino kaharap! iba ako sa loob ng church at sa labas ng church. in short pag nanjan ang barkada inuman na. this time maninindigan na ako for him. so help me lord!

kanina lang i was invited to a christian gathering in pbs building. hindi ko inaasahan talga ni si danhill pa ung magyayaya sa akin dun kasi iba ang pag kakilala ko sa kanya nung college. nabless ako at maraming natutunan. i will start my christian life again now and i hope this time the flame of my faith wont die anymore

Tuesday, January 5, 2010

Whooooaaa..
Bloger na rin ako ngaun ah, Naisip ko lang na kelangan ko rin nito para masulat ko ung mahahalagang bagay na nagaganap sa buhay ko, mga aral na natututunan ko mula sa mga kapal-pakan ko, at kung anu anung bagay n pagtatawanan ko pag binasa ko ulet ung mga sinulat ko. Malay mo merong makuha o mapulot n lesson kung sino man ang makabasa nito, (kung meron interesado) tsk tsk tsk.

2009
hindi naging maganda ang 2009 para sa karamihan ng mga pilipino lalo na sa akin. nanjan ang bagong ONDOY nasumalanta at sumira ng maraming bahay at buhay sa metro manila, nasundan pa ulet ng isa pang bagyo nasumalanta naman sa northern luzon *bumalik pa ang hinayupak* (fujiwara effect),at meron pa atang isang bagyo n sa southerh luzon nman naminsala. ang kagimbal gimbal at walang pusong pagpatay sa maguindanao.ang pagde-decalare ni gloria ng pagtakbo bilang congresswoman (nagbabantang panganib palang). ang pagputok ng bulkang mayon. tapos sa akin dumagdag pa ung isang matinding kalamidad n MUNTIK ng gumunaw ng mundo ko, ito ay ng sinabi ng taong pinakamamahal ko na hindi na nya ako mahal. awts

HEARTBREAK
G: wala ka bang napapansin lately?
B: ...
G: na parang merong kulang..
B: ...(tahimik parin pero alam n ung ibig nya sabihin)
G: kasi parang nawala na ung magic, pag kasama kita di n ako ganun kasaya, hindi ako na-eexcite na makita ka...
B: na hindi mo na ako mahal?
G: ...
G: oo.
B: bakit? meron ba ako nagawang mali? meron ba akong pagkukulang? hindi ko ba naipakita sau kung gaano kita kamahal? saan..?
G: walang mali sau, sa akin ung mali.

naganap ito nung september 1, 2009 tuesday unang araw ng pasok sa office kasi holiday nung monday. excited pa naman ako nung araw na iyon kasi nag simula n ang BER malapit n ang pasko. mag 17 months na sana kami. kala ko pag naging matino ang lalaki walang maging problema sa isang relationship kasi karamihan ng kilala ko naghiwalay kasi meron iba ung lalaki, hindi din pala.
nakakasawa ba ung nakikita mo araw araw sa office ung gf/bf mo?
bakit ako? hindi naman ako nasasawa sa kanya ah? mag sasawa ka ba sa taong mahal mo?

ang hirap pala kung papaikutin mo ang mundo mo sa isang tao.
sa lahat ng mga plano mo sa buhay kasama mo sya.
sya ung inspirasyon mo sa mga ginagawa mo.
tapos biglang mawawala ung taong iyon.
parang nawala nrin ang mundo ko, nawala na ang lahat sa akin.
nasabi ko tuloy sa susunod na mag mahal ako di ko na ibubuhos lahat, magtitira naman ako para sa sarili ko. para kung sakaling mauwi ulit sa break up hindi ganung kasakit.

ate alle: dapat kung magmamahal ka ibigay mo ung 100% mo. kasi kung hindi 100% hindi tunay na pagmamahal yan. wag kang matakot n masakatan. (ang galing talaga ni ate ella!!)

sa breakup nmin nadamay ung mga kasamahan ko sa office dating classmate ng ex ko. bakit daw ba hindi sya maintindihan ng mga ito. na sana ay makita nilang mahirap din para sa kanya ung ginawa nya. ummmhh.. *no comment*. lahat ng mga taong nakakakilala sa aming dalawa hindi sya maintindihan kahit sarili nyang pamilya nalabuan sa kanya.
ang malinaw akin ay yung "hindi na kita mahal e, break n tau" bakit pa nga ba itutuloy kung isa nalang ung nag mamahal, dapat the feeling is mutual diba?
ang malabo lang talaga sa akin ay kung paano nya nasabing hindi n nya ako mahal, paanong nawala ung magic *PU_*&%@*$ yan!!* e ginawa ko naman ang lahat. tinatanong kita boring ba ako kasama? sabi mo hindi ang saya saya ko nga pagkasama kita kasi lagi mo akong pinapatawa,Hindi ka ba nagsasawa sa akin? sabi mo bakit naman ako magsasawa sa isang katulad mo? mahal mo ba ako? sabi mo mahal na mahal na mahal na mahal kita!!! tpos biglang ganito LABO MEN!! anak ng.....!!!!

Dec 8 2009 game 3 final game ng company. NDTL vs EMMA
merong player s kabilang team n matangkad gwapo daw sabi nila, pero kung tatanungin nyo ako e di mas hamak n mas gwapo ako dun (blog ko ito! wag kang maki alam! gumawa ka ng sarili mong blog para mas gwapo ka sa akin!WALA AKONG PAKI-ALAM!). putcha ang swerte nila natalo kami. tapos ung hinayupak n centro ng kabilang team nagpapapicture pa dun si ex. *selos,uwi ng maaga* after a few days.. amp friends na sila sa facebook. after a week nagde-date na sila, wla naman ako magagawa dun wla kami. dec 25 nakita ko sa facebook in a relationship n si ex. merry xmas!!!! happy new year!! putukan na! wag sa loob ha para safe!(ng bahay, baka magkasunog)
aaminin ko, nung nalaman kong sila na medyo nasaktan ako.(MEDYO LANG HA!kahit papaano nakamove on n ako, medyo malayo na! 130+ miles na!kaya hindi na ako masyadong affected) gaya nga ng sabi ko kanina wla na ako magagawa dun. karapatan nila un! aym happy for them!! ^^,,i,,
ang ganda ganda talaga ng 2009 sa akin!!
(F%$&*$# SHIT!! MAG SAMA KAU!!)

mabait naman talaga akong bata, gusto ko lang mag labas ng sama ng loob kaya halos puro mura ang blog na ito. (sa personal hindi ako nag mumura) ayoko na kasi dalin ang mga ito sa dadating n bagong taon 2010.

COUNT YOUR BLESSINGS AND YOU WILL SEE HOW BLESSED YOU ARE! MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR TO ALL